LABIS na pagpupuri ang ibinigay ni Senator Sonny Angara sa Philippine Women's National Football Team o Filipinas na nagkampeon sa unang pagkakataon sa 2022 AFF Women's Championship at nag-qualify sa 2023 World Cup, kay Fil-Japanese Yuka Saso na 2021 US Open women's champion sa golf at pinakahuli kay Alex Eala, na prinsesa ng 2022 US Open nang magwagi sa girls singles tournament.