Walang kupas ang kagandahan, kaseksihan ni Bangs Garcia, na kahit may dalawa na ngang anak, maalindog, kaakit-akit pa rin, ha! At sa mga naiinggit sa kanya, na walang ibang alam sabihin kundi nega, si Bangs na mismo ang nagsasabi na may mga pagbabago na sa katawan niya, at tanggap niya `yon. Bet lang niyang maging inspirasyon sa mga nanay na tulad niya.